Sa Bureau of Immigration dapat idetine si Alice Guo – DOJ
Kung si Justice Secretary Crispin Remulla ang tatanungin ay ang Bureau of Immigration (BI) dapat ang may hawak kay dating Bamban Mayor Alice Guo.
Ayon kay Remulla, nahaharap sa mga paglabag sa Immigration Law si Guo dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte ng Pilipinas, pagiging illegal alien at pagpanggap na siya ay Pilipino.
Paliwanag ni Remulla, mas higit ang Immigration case dahil ito ay walang piyansa kaya dapat nasa kustodiya ito ng BI.
” Actually kung meron dapat talagang magdi-detain kay Alice Guo, it should be the Bureau of Immigration, kasi an Immigration takes precedence over everything eh, kung tutuusin natin an Immigration should take precedence over everything in fact non-bailable ang Immigration case basta ganyan ang kaso…dapat yan huwag nating pabayaan na palabuin ang tubig, malinaw na malinaw may Immigration case tayong hinahawakan ditto, that’s very very important, may primacy ang Immigration over others when it comes to Alice Guo “ ani sa opisyal.
Samantala, sumulat na si Remulla sa Office of the Ombudsman para linawin kung bakit sa korte sa Capas, Tarlac isinampa ang kasong katiwalian laban kay Guo sa halip na sa Sandiganbayan.
Plano rin ng Kalihim na sumulat sa Office of the Court Administrator ng Supreme Court para linawin ang isyu.
Ayon kay Remulla, ang Sandiganbayan ang may hurisdiksyon dahil alkalde si Guo nang mangyari ang mga paglabag.
” So that all these confusion would be done away with because we can’t allow these things to happen again we don’t think we want a conflict of jurisdiction on any person, we want tried for different crimes dapat ito maging clear “ dagdag pa ng Kalihim.
Moira Encina-Cruz