Sa gilagid makikita kung fresh ang hininga mo

Madaling malaman kapag healthy ang gums, sa color o kulay nito na pink.

Hindi mapula o reddish na parang namamaga.

Kapag nagsesepilyo hindi nagdurugo ang gilagid at walang nararamdamang sakit.

At eto, kapag humihinga ay walang amoy, hindi mabaho, kundi fresh
breath.
Alam po ninyo, kapag napabayaan ang pamamaga ng giladid, aakyat ‘yan sa mukha, panga, sa lalamunan.

At puwedeng lagnatin at nararamdaman ang sakit.

Pero, sa totoo lang, marami sa ating kababayan ang naka-focus lang sa ngipin.

Ngipin lang ang nililinis at majority, marami ang nabubungi, nasisira ang ngipin gayung walang tooth decay.

Bakit? dahil sa gum disease.

Ang loob ng gilagid ang nasira.

Ang gum disease ay kayang paugain ang ngipin, kayang sirain ang mga ngipin.

Ang number one na dahilan ng pagkabungi ay gum disease at hindi tooth decay.

Gaano ba kahalaga ang kalusugan ng gilagid?

Ang gilagid ay protektor, shield na nag-iingat sa pundasyon.

Kaya kapag nagkaproblema ang gilagid, sira ang pundasyon ng ngipin.

Kayang-kayang gibain ng latak (tirang pagkain na nakasiksik sa gilagid) ang gilagid.

‘Pocket’ o bulsa ang tawag sa gilagid.

Kaya nga kapag hindi kasama sa hygiene ang paglilinis ng gilagid, darating ang panahon na bigla na lang itong mamamaga o magdurugo.

Ugaliing magmumog pagkatapos kumain, uminom ng tubig, mag floss, makatutulong at hindi lamang pagsesepilyo.

Tandaan na ang pagdurugo ng gilagid ang unang senyales na may problema na sa gilagid.

Alam po ba ninyo ang gum disease ay walang pinagkaiba sa anay?

Kinakain nito ang pundasyon ng ngipin o ang buto ng ngipin.

Hindi lamang ang oral health ang apektado ng gum disease pati ang physical health natin.

Kung maaagapan o kung nasa first stage pa lamang ay puwedeng masolusyunan ang gum disease.

At para sa iba pang kaalaman ukol sa oral health, subaybayan po ninyo ang Dentist Online sa programang Kapitbahay, tuwing Lunes sa Radyo Agila, DZEC 1062 kHz.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *