Sa ika-apat na pagkakataon sa linggong ito, North Korea nagpakawala ng ballistic missiles
Inihayag ng South Korea military, na nagpakawala ang North Korea ng dalawang ballistic missiles ngayong Sabado, ika-apat na sa linggong ito habang pinalakas naman ng Seoul, Tokyo at Washington ang magkasanib nilang pagsasanay militar upang kontrahin ang Pyongyang.
Ayon sa militar ng South Korea, naka-detect sila ng dalawang short-range missiles na pinakawalan mula sa Sunan area Pyongyang patungong sa East Sea, na kilala rin bilang Sea of Japan.
Sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff ng Seoul, “The military is maintaining the utmost readiness in close coordination with the United States.”
Kinumpirma rin ng Japan ang paglulunsad sa dalawang ballistic missiles, sa pagsasabing tila bumagsak ito sa labas ng exclusive economic zones ng Japan.
Sinabi ni Japanese vice defence minister Toshiro Ino, “The missiles appear to have flown in irregular trajectories. North Korea has been repeating missile launches at an unprecedented pace.”
Pahayag ng mga eksperto, ang irregular trajectories ay nagpapakitang ang missiles ay may kakayang mag-manoeuver habang lumilipad, kaya’t mas mahirap itong sundan at ma-intercept.
Matatandaan na ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Seoul ay sinabayan ng North Korea ng paglulunsad ng mga missile, kung saan nagpakawala sila ng short-range ballistic missiles noong Linggo, Miyerkoles at Huwebes, at ilang oras makaraang umalis ni Harris sa South Korea.
Bago dumating si Harris sa Seoul, ipinadala ng Washington ang nuclear-powered USS Ronald Reagan aircraft carrier sa South Korea upang magsagawa ng isang malaking joint naval exercise, bilang pagpapakita ng puwersa laban sa Pyongyang na ikinagalit naman ng North Korea, at itinuturing iyon na pagsasanay para sa isang pananakop.
Sinabi ni Leif-Eric Easley, isang propesor sa Ewha University sa Seoul, “North Korea’s short-range ballistic tests are less important than a nuclear test but still violate UN Security Council resolutions, and the timing was provocative.”
Aniya, “North Korea is rapidly modernizing weapons and taking advantage of a world divided by US-China rivalry and Russia’s annexation of more Ukrainian territory.’
Dagdag pa niya, “Pyongyang’s actions again make clear the need for Washington and Seoul to reinforce military deterrence, tighten economic sanctions, and increase policy coordination with Tokyo.”
Ilang buwan na ring nagbababala ang mga opisyal ng South Korea at US, na naghahanda si North Korean leader Kim Jong Un ng isa pang nuclear test.
© Agence France-Presse