Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong July, UK nag-ulat ng zero daily coronavirus deaths
LONDON, United Kingdom (AFP) – Sa kabila ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 na iniuugnay sa Delta variant, sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-ulat ang Britanya ng zero daily deaths mula sa virus.
Ayon sa pinakahuling
government figures, 127,782 katao sa UK ang namatay sa loob lamang ng 28 araw mula nang magsimula ang pandemya, na “worst death toll” sa alinmang bansa sa Europa.
Sa kabuuan, ang UK ay may 4.49 million cases.
Ang zero daily deaths na naitala nitong Martes, ay nangyari matapos iulat ng gobyerno na isa lamang ang namatay dahil sa COVID-19 sa magkabilang panig ng UK noong Lunes, na isang public holiday.
Ang huling pagkakataon na walang naitalang coronavirus deaths sa buong United Kingdom, ay noong July 30 ng nakalipas na taon.
Sinabi ni Health Secretary Matt Hancock . . . “Tuesday’s milestone is undoubtedly good news. Britain’s vaccine rollout which began in December, was clearly working. But we know we haven’t beaten this virus yet.”
Patuloy pa ring hinimok ni Hancock ang publiko na sundin ang public health guidance.
Ang UK ay isa sa mga unang bansa na nagsimula ng kampanya para sa maramihang pagbabakuna.
Simula nang umpisahan ang vaccine rollout, ang UK ay nakapagbakuna na ng higit 25 milyong katao–halos kalahati ng kanilang adult population.
Gayunman, nagbabala ang mga eksperto na maaaring makaranas ng third wave ng mga kaso ang Britanya dahil sa Delta variant na unang na-identify sa India.
Nitong Martes, ang Britanya ay nakapagtala ng higit tatlong libong COVID-19 cases sa loob ng pitong sunod-sunod na araw.
Bunsod nito ay may mga pag-aalinlangan kung dapat bang ituloy ang plano ni Prime Minister Boris Johnson na lubusan nang tanggalin ang mga restriksiyon sa June 21.
Ayon sa isang tagapagsalita ng gobyerno . . . “We will continue to assess and monitor the data daily. The roadmap for removing virus measures was based on data, not dates.”
@Agence France Presse