Sa unang pagkakataon, bird flu na-detect sa mga alpaca sa US
May na-detect na mga kaso ng bird flu sa mga alpaca sa isang animal farm sa US.
Sinabi ng Agricultute Department na kinumpirma ng National Veterinary Services Laboratories, na na-detect ang isang ‘highly pathogenic variant’ ng bird flu virus na kilala sa tawag na H5N1 sa isang farm sa Idaho, kung saan ngayong buwan ay inalis doon ang mga infected poultry.
Ang pagkakatuklas ay hindi na isang sorpresa sanhi ng ilang kadahilanan, una, nagkaroon na dati ng infection sa naturang farm, ayon sa department.
Gayunman, ito ang unang pagkakataon na na-detect ito sa mga alpaca, na miyembro ng camel family na katutubo sa Andes at inaalagaan para sa kanilang balahibo.
Nitong nakalipas na mga linggo, ang H5N1 variant ay na-detect sa mahigit 50 animal species sa Estados Unidos, kabilang na ang dairy cows.
Dalawa kataong nagtatrabaho sa farms ang nasumpungang mayroong bird flu, ngunit mild lamang ang mga sintomas.
Noong isang linggo, sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na namamalaging mababa ang risk assessment para sa general public ngunit sinabing inaasahan nila na darami pa ang kaso.
Una nang sinabi ng mga eksperto, na nag-aalala sila sa lumalaking bilang ng mga mammal na dinarapuan ng bird flu kahit na hindi naman karaniwan ang kaso nito sa mga tao.
Wala pang ebidensiya ng human-to-human transmission sa ngayon, ngunit nangangamba ang mga opisyal na kalaunan ang virus ay malawakang kakalat at maaaring mag-mutate sa isang ‘form’ na posiblenang magpalipat-lipat sa mga tao.