Sabay-sabay na pagtakbo sa magkakaibang posisyon sinisisi ni Senador JV Ejercito sa pagkatalo ng pamilya Estrada sa eleksyon
Inaasahan na ni Senador JV Ejercito ang pagkatalo ng mga miyembro ng pamilya Estrada ss katatapos na eleksyon.
Ayon kay Ejercito, hindi nakapag-focus ang pamilya sa pangangampanya para ipanalo ang isa sa man sa mga kandidato dahil sa sabay sabay na pagtakbo ng mga miyembro ng pamilya Estrada.
Nahati rin aniya ang boto ng mga Estrada dahil nalito ang mga botante at kailangang pumili sa pagitan nila ni Jinggoy Estrada.
Ito aniya ang dahilan kaya kumalas siya sa puwersa ng masa ni dating pangulong eatrada at lumipat sa Nationalist Peoples Coalition.
Si Ejercito ay nasa balag ng alanganin dahil batay sa unofficial result mula sa transparency server nasa ika-13 puwesto ito na may mahigit 13 million votes.
Si Jinggoy ay malabo nang pumasok sa mga mananalong Senador habang tinanggap ni ni Mayor Erap ang pagkatalo kay Isko Moreno.
Talo rin si Janella Estrada sa pagka-alkalde ng San Juan at ER Ejercito bilang Gobernador sa Laguna.
Ulat ni Meanne Corvera