SAF- 44, ginawaran ni Pangulong Duterte ng Medalya ng Kagitingan sa Malakanyang
Pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng medalya ng kagitingan ang mga miyembro ng Philippine National Police -Special Action force o PNP-SAF sa pamumuno ng nasawing si Police Chief Inspector Ryan Pabalinas kasama ang 41 iba pa sa Mamasapano, Maguindanao.
Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng award sa mga miyembro ng SAF- 44 noon pang February 2017.
Si Chief Inspector Pabalinas ay miyembro ng Philippine National Police Academy o PNPA Class of 2006 ang nanguna noon sa Oplan Exodus laban sa mga teroristang si Zulkifli Benhir alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.
Nauna ng nagawaran ng medalya ng kagitingan noong 2016 sina Senior Inspector Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.
Ang medalya ng kagitingan ay tinanggap ng mga naulila ng SAF 44 bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.
Itinuturing din na ang Mamasapano incident na ikinamatay ng SAF- 44 na malaking blunder ng Aquino administration.
Ulat ni Vic Somintac