Safe Motherhood week, ginugunita….DOH, hangad na maging ligtas ang mga nanay na nagbubuntis
Ngayong ikalawang linggo ng Mayo ay ginugunita ng Department of Health (DOH) ang Safe Motherhood o ligtas na pagbubuntis.
Ayon sa United Nations Population Fund, mahigit sa kalahating milyong babae ang namamatay taun-taon na iniuugnay sa kanilang pagbubuntis.
Ito ay dahil sa nagkakaroon umano ng mga kumplikasyon na nagiging sanhi upang manganib ang buhay ng isang nagdadalang-tao.
Sinabi ni Dra. Hermie Maglaya, isang OB-Gynecologist na kapag ang isang babae ay nagbuntis, napakahalaga na doble ang kanyang gawing pag iingat sa kanyang kalusugan at sa kanyang magiging anak.
Kabilang sa mga sanhi ng pagkamatay ay sobrang pagdurugo na dulot ng maling pwesto ng matres o problema sa inunan.
Maging ang altapresyon, at impeksyon na dulot ng hindi magandang lugar ng pinanganakan,
Payo ni Maglaya, magkaroon ng apat na Pre-Natal check-up upang makita at maiwasan ang anumang komplikasyon sa pagbubuntis.
Ulat ni Belle Surara