Safe Motherhood Week ginugunita ng DOH
Batay sa Presidential Proclamation bilang 200 na nilagdaan noong 2002, ipinagdiriwang ang Safe Motherhood Week.
Ayon sa Department of Health, layunin ng pagdiriwang na maitaas ang mahalagang karapatang pantao at kaligtasan ng isang ina.
Ang paggunita ng Safe Motherhood ay sa pangunguna ng DOH kasama ang partner agencies.
Kabilang sa mga regular na isinasagawa ay ang lektura tungkol sa kaligtasan ng pagiging ina.
Exhibit at pamamahagi ng impormasyon tungkol sa ante natal and post partum care, clean and safety delivery, family planning at planned pregnancies.
Sa panig naman ng World Health Organization hindi dapat na nanganganak sa bahay sapagkat walang garantiya ang ligtas na pagsisilang, maaaring hindi sapat ang gamit ng birth attendant tulad ng emergency tools at mga gamot o medikasyon sa sandaling magkaroon ng kumplikasyon ang ina maging at sanggol.
Ulat ni: Anabelle Surara