Sakit ng ulo ko, makapagpa-acupuncture nga!
Mga kapitbahay, kayo ba ay may migraine o madalas na sumasakit ang ulo?
Baka makatulong ang acupuncture.
Ang acupuncture ay isang safe and effective na pamamaraan kung saan ay nagpapasok o itinutusok ang napakanipis na karayom (mas manipis sa karaniwang nakikita nating needle kapag tayo ay nagpapa-injection) sa ating balat sa mga tiyak na punto sa katawan. Depende sa lokasyon kung saan may iniinda o masakit.
Nainterview natin si Dr. Tan Cho Chiong, Presidente ng Philippine Academy of Acupuncture, malaki ang bahagi ng acupuncture sa mga may migraine, pero, ang dapat munang alamin ay kung ano talaga ang dahilan ng pagsakit ng ulo.
Kasi, kung ang dahilan ay brain tumor, ibang usapan ‘yun.
Pero, kung ang pagsakit ng ulo ay dahil sa sinusitis o migraine o tension headache, malaki ang maitutulong ng acupuncture dahil effective ito.
May pathways, sabi ni Doc Tan kung saan tinutusok ang karayom.
Puwedeng sa ulo, kamay o paa.
Depende sa nature ng pain o kung saan masakit.
Sa iba-ibang lokasyon maaaring i-apply ang acupuncture.
Naitanong din natin mga kapitabahay kay Doc kung gaano katagal bago
maramdaman ang ginhawa?
Ang sabi niya ay depende.
Iyong iba anya batay sa karanasan niya, sa severe acute migraine, less than a minute lang ay may ginhawa ng mararanasan, nawawala ng 50% ang sakit.
Binigyang-diin ni Dr. Tan na ang acupuncture ay bahagi lamang ng treatment.
Kung ang pagsakit ng ulo ay dulot ng stress, makatutulong ang acupuncture pero dapat mai-manage din ang stress baka ang pinangggalingan ay dahil sa lifestyle o overworked kaya.
Makatutulong ang acupuncture para ma- address ang problema.
Baka itinatanong n’yo rin kung gaano karaming needle o karayom ang itinutusok?
Isa hanggang lima, bagaman sa maraming kaso, isa hanggang dalawang needles lang sapat na, sabi ni Doc Tan.
Walang sakit ang acupuncture, minsan kasi ay ‘yung takot ang namamayani kaya ayaw subukan ng iba.
Karaniwan ang acupuncture ay nasa isang libong piso ang bayad sa private clinics.
Pero, kung indigent o mahirap nagbibigay daw si Doc Tan ng discount o minsan ay libre pa (nice naman!).
Ang isang acupuncturist ay kailangang accredited ng DOH-PITAC (Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care).
Dagdag pa ni Doc Tan, “acupuncture is a very safe procedure, safe and effective medication.”
Ang advantage ay walang gamut na iinumin, bagaman sa ilang kaso ay kailangang may kumbinasyon sa medical measures or procedures for proper diagnosis.
Mga kapitbahay, sana ay nakatulong ang ginawa nating pakikipanayam na ito kay Dr. Tan Cho-Chiong tungkol sa acupuncture.
Until next time!