Sakit o ugong na nararanasan sa tainga, hindi dapat na ipagwalang bahala- ayon sa mga eksperto
Nararanasa ng lahit sino ang impeksyon sa loob ng tainga. Ngunit ayon sa mga ear, nose at throat o ENT Specialist, mga bata ang madalas na dapuan nito.
Tinatawag ng mga doktor na Otitis media ang nasabing impeksyon, nagsisimula ito sa sipon, sinusitis o allergy.
Maaari umano na ang sipon mula sa ilong ay maaaring pumunta sa tainga sa pamamagitan ng isang maliit na konektadong tubo na kung tawagin ay Eustachian tube.
Hindi rin dapat na kinakalikot ang tainga dahil maaari daw itong maging sanhi ng pagsakit, pamamaga at pag-ugong.
Binibigyang-diin ng eksperto na kapag nararanasan ang anumang sakit, pag-ugong o kirot sa loob ng tainga, hindi ito dapat na ipagwalang-bahala.
Dr. Louie Gutierrez, Head and Neck surgery, EAMC
“ Mahalaga dito, kapag naranasan ang sintomas, kumunsulta po tayo sa mga espesyalistang doktor. Gaya ng mga ENT Head and Neck surgeon. lalu na yung mga kasapi ng Philippine Society of Otolaryngology, Head and Neck surgery. Kami ay handang gumabay sa inyo para mabigyan kayo ng tamang lunas”.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===