Sakit sa puso pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2022
Nananatili ang sakit sa puso sa nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas noong 2022.
Sa latest survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) lumabas na ischaemic heart disease o ang paghina ng puso sanhi ng mababang blood flow ang sanhi sa pagkamatay ng 103,628 individuals, o 18.4% sa kabuuang bilang ng namatay noong nakaraang taon.
Sinundan ito ng cerebrovascular diseases o brain disorders na may 57,411 deaths (10.2%), at neoplasms o abnormal/excessive growth ng tissue na may 57,353 deaths (10.2%).
Kinolekta ang datos mula Enero hanggang Nobyembre ng 2022.
Sa parehong panahon noong 2021, itinala ng PSA ang ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases at COVID-19 bilang panungahing dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.
Sa tala, bumaba ng 85.5% ang death caused by COVID-19 noong nakaraang taon mula sa dating record na 100,000 deaths noong 2021.
Sinabi ng PSA na hindi pa nila naisama sa tala ng mga namatay ang mga Filipinos sa abroad, ngunit naibilang naman ang mga dayuhang namatay sa bansa.