Sakitin ang Ulo at Laging Nahihilo, May Kinalaman sa Ngipin.
Kapag sumasakit ang ulo o madalas na nakararamdam ng pagkahilo, karaniwan na ang pinupuntahan natin ay isang Doctor para mabigyan ng tamang prescription.
Alam ba ninyo na kapag masakit ang ulo o nahihilo, bata man o matanda, posibleng dahil sa kakulangan ng tubig, nutritional deficiency, lack of oxygen, lack of sleep o stress.
Pero, teka muna, karamihan sa atin hindi alam na ang kalusugan pala ng ngipin ang maaaring tunay dahilan o pinagmumulan ng sakit sa ulo at pagkahilo na di gumagaling, maling kagat o malocclusion, teeth grinding, kulang kulang na ngipin, gritting of teeth, chewing too much gum, tooth wear, pudpud na mga ngipin, wisdom tooth problem, mouth breathing or sleep disorder breathing.
At kapag ganito ang problema, ipinapayong magpunta o magpatingin sa isang airway focus dentist or functional dentist para matukoy ang dahilan kung may kinalaman ang ngipin mo sa mga problema.
Paalala lang po, pwede din nating gawin ang mga sumusunod kapag nakaramdam ng pagkahilo:
- uminom ng tubig
- iluwa ang dila at maghingal aso
- bumuntong hininga or exhale at itaas ang dila sa ngala-ngala
Kapag sakitin ang ulo at laging nahihilo, patingnan din ang kalusugan ng ngipin dahil posibleng malaki ang kinalaman nito sa nararamdaman. Maaaring may problema sa pagkagat kaya naiipit ang ugat.