Sako-sakong basura, nakolekta sa Coastal Clean-up sa Lian, Batangas

Courtesy : CGSS Lian, Batangas

Nakiisa ang mga kawani ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Lian sa isinagawa Coastal Clean-up nitong weekend  sa baybayin ng Barangay San Diego, Lian Batangas.

Sa pagtutulungan ng mga mamamayan ng Brgy. San Diego, nakakolekta sila ng 21 sako ng iba’t ibang uri ng basura.

Katuwang din ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at volunteers ng nasabing Barangay.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan at mapanatili ang kagandahan at kalinisan sa nasabing lugar.

Manny De luna

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *