Salamat Musika
Marunong ba kayong kumanta?
Palagay ko lahat naman ay kumakanta, ‘yung iba nga lang ay ayaw na iparinig ang boses nila sa maraming tao.
Sa programang Let’s get Ready to Radyo, ibinahagi ni Sir Henry Pingol, Director of Happiness and People Development Marketing, ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa epekto ng musika sa ating buhay.
Narito ang kanyang sinabi sa programa….
Maraming klase o klasipikasyon ang musika, may R&B, Classical, Pop, Jazz, Rock, KPop.
Ang music ay nakatutulong para ma-improve ang mood ng isang tao. Paggising sa umaga matapos na makapanalangin, mas magandang magpatugtog ng uplifting music o fast beat music , o classical.
Hindi nga ba’t nasa kindergarten pa lang tayo ay tinuturuan na tayong maging masaya ng ating mga guro? Maging appreciative sa music. Kung malungkot ka, pwede din nàmang makinig ng sad songs at umiyak, but after na makaiyak dapat gumaan ang pakiramdam mo.
May mga tao na hindi makaiyak kapag walang background na music, ‘yun bang hindi nila mailabas ang saloobin o damdamin? Halimbawa namatayan, Hindi mo makikita na umiyak sa panahon ng lamay pero kapag sa libing lalo na may music biglang hahagulgol na lang.
Sa totoo lang iba- iba ang epekto ng musika sa atin. Pero sa panahon ngayon para magpatugtog ka pa ng mga nàkalulungkot na mga kanta ay baka lalo ka lang ma- depress.
Samantala, may mga kanta na parang malungkot subalit kapag inalam mo ang lyrics o mensahe ng kanta ay parang nakapagpapabago ng mood dahil uplifting ang dating.
Music is life, mas marami sa atin ang ginaganahang magtrabaho kapag nakikinig sa music. Mas gustong makinig sa less talk more music stations.
Ang mga doktor nga ay ipinapayo ang pakikinig ng music dahil nakakabawas ito ng stress. May mga sitwasyon pa nga na kapag may operasyon o takot sa injection ang pasyente, magpapatugtog ng music o kakanta mismo ang pasyente para kapag tinurukan ay hindi maramdaman ang tusok.
Samantala, banggit pa ni Sir Henry na isa ring mahusay na singer, may mga tao talagang isinilang na maging singer, meron din nàmang tagapakinig lang talaga o taga ‘hum’. Meron din nàmang nàkakakanta kapag may ka dueto.
Pero mas mabuti sana kung mahiyain ka man o hindi maganda ang boses, makahanap ka ng isang kanta na pwede mong buuin. Hanapin at pag- aralan ang kantang ‘yun na kahit hindi’perfect’ ang rendition mo ay makakanta mo at hindi mapapahiya.
Sa panahon ngayon ng Pandemya, malaki ang maitutulong ng musika para ma-relax ang ating kaisipan , bumaba ang blood pressure, at marami pang iba.
Ang sabi nga ni Henry Wadsworth Longfellow…’ Music is the Universal Language of Mankind.’