Salary increase ng mga government employees mababalam dahil sa re-enacted budget – ayon sa Malakanyang

 

Aminado ang Malakanyang na hindi muna maibibigay ang salary increase ng mga empleyado ng pamahalaan dahil sa re-enacted budget.

Sinabi ni Budget secretary Benjamin Diokno na maaantala ang ikaapat o huling bahagi ng umento sa sahod ng mga manggagawa ng gobyerno sa ilalim ng Salary standardization law.

Ayon kay Diokno kailangang hintayin ang pagpapatibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa 2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos.

Inihayag ni Diokno ang pondo para sa salary increase ng mga kawani ng pahalaan ay nakapaloob sa 2019 Proposed National budget.

Humingi ng pang-unawa si Diokno sa mga empleyado ng gobyerno dahil sa pagkakaantala ng kanilang dagdag na sahod.

Ang 2019 proposed National Budget ay nakabinbin sa dalawang kapulungan ng kongreso dahil hindi ito napagtibay bago natapos ang taong 2018.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *