Sales decline ng mga poultry grower sa Pampanga, sumadsad na sa 80%
Sumadsad na sa 80 percent ang sales decline ng mga poultry growers sa Pampanga.
Sinabi ng United Broilers Raisers Association na dumadaing na ang mga poultry grower sa Central Luzon dahil na rin sa epekto ng avian flu outbreak.
Ayon kay UBRA President Bong Inciong, sa Pampanga, ang dating farm na pinagkukuhanan ng 2,000 manok, ngayon ay nasa 300 manok na lamang ang nakukuha araw-araw at hindi pa ito nauubos.
Dahil sa lower demand, ang farm-gate price ng mga broiler ay bumaba na sa ₱58 per kilogram.
Bukod dito, sumadsad din ang poultry sales sa Tarlac sa 75 percent.
Nadamay na rin ang Southern Tagalog na ngayon ay may 20 to 30 sales decline.
Tiniyak ng UBRA sa publiko, ligtas pa rin kainin ang mga poultry product basta’t lutuin lamang itong maigi.