SALN ni Pangulong Duterte, dapat isapubliko
Dapat umanong isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, dapat ay transparent ang lahat ng mga pinuno ng bansa at lahat ng mga naglilingkod sa gobyerno.
Huling naisapubliko ang SALN ng pangulo noong 2017, kung saan nagdeklara ito ng 28.5 million pesos na assets, pero wala itong isinapublikong SALN ng 2018 at 2019.
Una nang sinabi ng Malakanyang na ipinauubaya na sa Ombudsman ang paglalabas ng SALN ng pangulo, pero noong Setyembre ay naglabas ng Memorandum Circular ang tanggapan ng Ombudsman na naglilimita sa pagpapalabas ng SALN ng public officials.
Meanne Corvera