Sama-samang pag-idlip sa Mexico City naglalayong isulong ang karapatang matulog
Humigit-kumulang 200 katao ang nagsagawa ng sama-samang pag-idlip sa gitna ng kalsada sa isa sa pinaka-abalang pamayanan sa Mexico City, upang ipagdiwang ang World Sleep Day.
Sa gitna ng init, ang mga kalahok ay humiga sa sintetikong banig, ang kanilang mga leeg ay nakapatong sa mga unan at ang kanilang mga mata ay natatakpan ng masks, sa isang kaganapan na inilarawan ng organizers bilang “isang mapayapang pagpapakita ng karapatan sa pagtulog.”
Sinabi ni Guadalupe Teran, isang doktor sa Center for Sleep and Neuroscience, na nag-organisa sa event kasama ng Mexican government, “The idea is that sleeping well, or having this event attract attention, can help launch new public policies. We have long working days, but there are no spaces at workplaces to guarantee the time for a siesta.”
Salamat sa isang ‘guided meditation session’ dahil ilan sa nap participants ay nakatulog ng malalim, habang ang iba kahit paano ay nagawang makapag-relax kahit sandali.
Lying in the heat on synthetic carpets, participants tuned out the chaos of the capital as part of what organizers described as “a peaceful demonstration for the right to sleep” / Rodrigo Oropeza / AFP
Ayon sa 24-anyos na si Alexia Gonzalez, isang psychotherapist mula sa central state ng Morelos, na nakatira sa kabisera, “Sleeping and resting well is very good for mindfulness. I need to do it more, but I think this dynamic is very cool, it encourages rest.”
Isa pang napper, ang retiree na si retiree Victor Sanchez mula sa southern Mexico City ang nagsabi na interesado siya sa isang professional advice kung paano magkakaroon ng magandang tulog sa gabi.
Ayon sa 64-anyos, “It’s a bit far, but I had to come because it’s important to me.”