Samahan ng mga empleyado sa Bureau of Customs, tutol sa pag-take over ng militar sa adwana
Hindi dapat ipasa sa mga empleyado ang kasalanan ng mga namumuno sa Bureau of Customs.
Ayon kay Remedios Princesa, Presidente ng Bureau of Customs Complaints Association, silang mga empleyado ng adwana ay sakop ng Civil Service Rules and Regulations kaya mayroon silang Security of Tenure at hindi sila basta pwedeng palitan o sibakin sa trabaho.
Bagamat sa ngayon ay wala pa naman silang nakikitang mga uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines na nagmamanman sa tanggapan, pero giit ni Princesa, hindi sila pabor na mag-take over ang mga ito sa adwana dahil walang expertise ang mga ito pagdating sa mga operasyon sa Customs.
Nilinaw naman ni Princesa na handa silang tumalima at sumuporta sa bagong pinuno ng Customs na si Commissioner Leonardo Rey Guerrero.
Sa ngayon regular pa naman ang operasyon sa adwana at wala pa namang pagbabago.
“Para sa kaalaman ng buong bansa, sa limang piso na koleksyon ng Gobyerno, piso ang nanggagaling dyan sa Customs. Sa 20 percent ng total taxes comes from the Bureau of Customs, kung papalitan ng militar yan, panu tayo makakakuha nun ?”