Samahan ng mga Piskal naalarma sa rekomendasyon ng PACC na suspendihin at kasuhan ang mga piskal na humawak sa drug case nina Kerwin Espinosa at Peter Lim
Umalma ang State Prosecutors and Prosecution Attorneys Association Inc. (SPPAAI) sa rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission na suspendihin at sampahan ng kasong administratibo ang mga piskal na nagbasura sa kaso laban sa mga itinuturing na Bigtime drug lords.
Sa flag raising ceremony ng DOJ, binasa ni SPPAAI President at State Prosecutor Jolly de Claro-Mendoza ang pahayag ng kanilang pagsuporta kina Assistant State Prosecutor Michael John Humarang, OIC-Senior Deputy State Prosecutor Rassendel Rex Gingoyon, Acting Prosecutor General Jorge Catalan, at dating Assistant State Prosecutor at ngayoy Lucena Regional Trial Court Judge Aristotle Reyes.
Ayon kay Mendoza, nakakaalarma ang rekomendasyon ng PACC at maituturing na reckless at malisyoso.
Iginiit ni Mendoza na silang mga piskal ay dumedepende lang naman sa mga ebidensyang inihahain sa kanila.
Hindi aniya nila maaaring ibatay ang kanilang mga desisyon public outcry at opinyon ng publiko sa kaso.
Ulat ni Moira Encina