Samoa island, nakapagtala ng unang kaso ng Covid-19
Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Covid-19 ang Samoa island na itinuturing na “untouched” Pacific island nation.
Ang anunsyo ay ginawa ni Prime Minister Prime Minister Tuilaepa Sailele Malielegaoi.
Ayon kay Malielegaoi, ang kaso ay nagmula umano sa isang lalaking mandaragat mula sa New Zealand na narepatriate sa isla.
Nasa isolation area na sa ngayon ang pasyente na dumating sa isla sa pamamagitan ng isang flight mula Auckland.
Dahil dito, nanawagan ang Prime Minister sa kaniyang mga kababayan na manatiling kalmado sa harap ng problemang kinakaharap ng kanilang bansa.
Bago makapagtala ng kaso, ang remote Pacific island na ito ang isa sa pinaka-matagumpay na bansang humarap sa kaso ng Covid-19 matapos ipasara ng maaga ang kanilang mga border sa kabila ng malaking pagkalugi sa kanilang turismo.
Pero sa nakalipas na dawalang buwan, tila hindi na naging virus-free ang isla gaya rin ng ibang mga remote island na Vanuatu, Solomon islands at Marshall islands.
Nananatili namang virus-free ang mga island nations ng Kiribati, Micronesia, Nauru, Palau, Tonga, at Tuvalu.
Inaasahang magpapalabas ng mga health measures ang Samoa Government sa tinatayang nasa 200,00 populasyon ng isla.
Matatandaang bago matapos ang 2019 ay nagkaroon ng Measles outbreak sa isla na kumitil sa 83 katao kung saan karamihan sa mga namatay ay mga sanggol at bata.