Sampu katao arestado sa checkpoint ng PNP sa Samar
Nagsasagawa ng regular checkpoint ang San Jorge police station sa Brgy. Poblacion 2 sa San Jorge, Samar nang makatanggap sila ng impormasyon na may dalawang sasakyan, na hinihinalang may kargang hindi lisensiyadomg mga armas.
Ayon sa natanggap na impormasyon ng mga awtoridad, ang dalawang sasakyan ay isang dark blue Nissan Patrol na may plakang WJH 715 at isang silver naToyota Innova na may plakang DAT 5370.
Sa pangunguna ni San Jorge police station chief Pol. Capt. Michael Ray Cañete, ay naharang ng mga awtoridad ang dalawang sasakyan na tumugma sa impormasyong kanilang natanggap.
Nang hanapan nila ng dokumento ang lulan ng dalawang sasakyan, ay napatunayan nilang pekeng travel authority na may selyo ng Malacañang at mga pekeng ID ang ipinakita ng mga ito.
Nang siyasatin nila ang 2 sasakyan ay dito nila nakita at kinumpiska ang mga kargang iba’t-ibang klase ng baril at bala, kutsilyo, posas, bullet proof vests, cellphones, handheld radios, government forces uniforms, at mga plaka ng sasakyan.
Dahil dito ay agad nilang inaresto ang mga suspek na kinabibilangan nina Maj. Gen. Jose Suarez, Gen. Galma Arcilla, at Private Robin Siso na pawang taga Brgy. Commonwealth.
Kasama rin sina Master Sgt. Jomar Borja ng Novaliches, Capt. Edwin Gumarang, Jr. ng Tandang Sora, Q.C., Brig. Gen. Errole Enverga, James Patrick Reyes, at Lt. Gen. Albert Verba, na pawang taga Muntinlupa City.
Gayundin sina Maj. Gen. Francis Sagum ng New Manila, Q.C., at Brig. Gen. Jovencio Valera ng Taguig City.
Ang mga suspek na nasa kustodiya na ng PNP San Jorge, ay mahaharap sa kasong paglabag sa falsification of documents, usurpation of authority at RA 10591.
Ulat ni Miriam Timan