Sampung buhay na pawikan, nasagip mula sa ilegal na kalakalan sa Tawi-tawi
Upang alamin ang katotohanan ng mga ulap tungkol sa presensiya ng mga suspek na sangkot sa illegal trading ng mga buhay na pawikan sa lugar, ay agad na nagsagawa ng Seaborne Patrol Operations ang Sitangkai Maritime Law Enforcement Team, alinsunod sa Wildlife and Conservation Act.
Pagdating ng grupo sa tinukoy na lugar ay natuklasan nila ang mga buhay na pawikan na nakatali sa bakawan at may iba pang isinilid sa mga sako.
Courtesy: PNP – MG
Gayunman, nagawang makatakas ng mga suspek sa kabila ng pagsisikap ng mga awtoridad na hulihin ang mga ito.
Samantala, ang mga nailigtas na pawikan ay inilipat sa pangangalanga ng PNP Maritime Group.
Layunin ng pinaigting na operasyon ng mga awtoridad na protektahan ang endangered species, pangalagaan ang natural na pamana at itaguyod ang biodiversity.
Aldrin Puno