Sampung korporasyon sa Makati City, nahaharap sa P123M tax evasion case
Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang sampung korporasyon sa lungsod ng Makati at mga opisyal nito dahil sa hindi binayarang buwis na umaabot sa 123 million pesos.
Ayon sa BIR, ang mga kinasuhan ay ang:
1. Digiline, Inc.
2. Marathon Publishing Company, Inc.
3. Ideaworks, Inc.
4. N & N Construction Corporation
5. Infrontier (Phils), Inc.
6. Alliance Technologies Corporation
7. Goldmark service network Corp.
8. Medcore Pharma Inc.
9. Corporate Image Dimensions, Inc.
10.Systems Standards, Inc.
Ang tax liability ay dahil sa bigong bayarang buwis ng mga respondents para sa mga taong 2002, 2005, 2006, 2007, 2008, 2012, at 2014.
Ang Systems Standards na nasa computer products distribution ang may pinakamalaking tax deficiency na mahigit 46.2 million pesos para sa taong 2006.
Sumunod ang Goldmark Service na nasa job contracting na may utang sa buwis na mahigit 20.1 million pesos para sa taong 2012.
Ayon sa BIR, ilang beses na nilang pinadalhan ng mga abiso ang mga korporasyon pero bigo pa rin nilang bayaran ang kanilang buwis kaya tuluyang sinampahan ang mga ito ng reklamo.
-Moira Encina