10 korporasyon sa Maynila, nahaharap sa P1.1 B tax evasion case
Ipinagharap ng reklamong tax evasion sa DOJ ng BIR ang sampung korporasyon at partnership sa lungsod ng Maynila dahil sa 1.1 billion pesos na hindi binayarang buwis.
Ang mga ito ay ang:
1. AURG, Inc.
2. Best Electrical Automation Controls
3. Kenomax Great Enterprise Inc.
4. Joberlene Corporation
5. Poly-Agro Products Corporation
6. Perima multi-sales Corporation
7. Trademaster Plus Industries Inc.
8. Polystructure Trading Co.
Gayundin, ang mga negosyanteng sina
Sonny Brum Escal at Josie Rabara Casilang
Ayon sa BIR, reklamong paglabag sa Section 255 ng Tax Code ang isinampa nila laban sa mga respondents dahil sa bigong bayarang buwis sa mga taong 2011, 2012, 2013, at 2015.
Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ng BIR ay sa Perima na mahigit 368.76 million pesos.
Sinabi ng BIR na sa kabila ng kanilang mga abiso sa mga nasabing negosyo ay hindi pa rin nila binayarang ang utang sa buwis kaya tuluyan na nila itong kinasuhan sa DOJ.
-Moira Encina