Samsung union ng South Korea, nagdeklara ng ‘indefinite’ strike
Inihayag ng isang unyon na kumakatawan sa libu-libong mga manggagawa sa Samsung Electronics sa South Korea, na magkakaroon ng ‘indefinite extension’ ang tatlong araw nilang welga, upang mapuwersa ang management na makipag-negotiate.
Ayon sa National Samsung Electronics Union, “(We) declare a second indefinite general strike from July 10, after learning that the management has no willingness to talk.”
Mahigit sa 5,000 mga miyembro ang tumigil sa pagtatrabaho noong Lunes, para sa dapat sana’y tatlong araw na welga, na bahagi nang matagal na nilang ipinakikipaglabang isyu sa suweldo at mga benepisyo.
Ang hakbang ay kasunod ng isang araw na walkout noong June, ang una sa marami nang pagkilos laban sa kompanya na ilang dekada nang tumatakbo nang walang unyon.
Ang unyon ay mayroong mahigit sa 30,000 mga miyembro, mahigit sa 1/5 ng kabuuang workforce ng kompanya.
Ayon sa Samsung, walang naging abala sa produksyon, bagama’t inaangkin ng unyon na ang welga ay nagkaroon ng malaking ‘impact.’
Sa isang pahayag ay sinabi ng unyon, “We have confirmed the clear disruption in production, and the management will regret this choice. The longer the strike lasts, the more the management will suffer, and eventually, they will kneel and come to the negotiation table. We are confident of victory.”
Binabatikos ng unyon ang management ng Samsung sa paghadlang sa welga, sa pagsasabing hindi ‘willing’ ang mga ito para sa isang dayalogo.
Hinimok ng unyon ang mas marami pang mga manggagawa na lumahok sa welga.
Panawagan ng unyon sa mga kapwa nila manggagawa, “Your determination is needed to advance our goals and victory. Let us unite our strength to protect our rights and create a better future.”
Tinanggihan ng mga manggagawa ang alok na 5.1 percent pay hike, kung saan una nang inilatag ng unyon ang kanilang demands na kinabibilangan ng improvement sa annual leave at transparent performance-based bonuses.
Nagawa ng Samsung Electronics na pigilang makabuo ng unyon ang kanilang mga manggagawa sa loob ng halos 50 taon, kung saan ayon sa mga kritiko, minsan ay gumagamit ang kompanya ng ‘ferocious tactics,’ para mapigilan ito, habang ang kompanya ay lumalaki hanggang sa maging isa sa pinakamalaking smartphone at semiconductor manufacturer sa buong mundo.
Ang unang labor union sa Samsung Electronics ay nabuo sa mga huling bahagi ng 2010.
Ang kompanya ang flagship subsidiary ng South Korean giant na Samsung Group, na siyang pinakamalaking family-controlled conglomerates na nagdodomina sa negosyo sa ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa Asya.
Ito ang pinakamalaking memory chip maker sa buong mundo at kumakatawan sa malaking bahagi ng global output ng ‘high-end chips.’