San Jacinto Farmers’ Association, nakatanggap ng agricultural machinery
May kabuuang 274.6 milyong piso ang halaga ng mga agricultural machinery, na ipinagkaloob sa farmers cooperatives at farmers associations sa buong Pangasinan.
Isa sa nabiyayaan ang bayan ng San Jacinto sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office, sa inisyatibo ng kanilang alkalde at bise alkalde.
Tatlong agricultural machineries ang ibinigay sa 3 farmers association sa bayan.
Ang Brgy.Bolo, San Jacinto Farmer’s Association, Inc., at Macayug Rice, Corn and Vegetable Farmer’s Association, Inc., ay nakatanggap ng tig-isang 4-wheel tractor samantalang isang Rice Combine Harvester naman ang tinanggap ng Sitio Daligan Imelda San Jacinto Farmers Association, Inc.
Ang nabanggit na mga makinarya ay galing sa Rice Competitiveness Enhancement Fund sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
Ang pagkakaloob ng agricultural machineries ay pinangunahan ni Gov. Amado Espino III kasama ang Phil. Center for Post Harvest Development and Mechanization (PHILMECH) ng Department of Agriculture.
Ang pamamahagi na isinagawa sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, ay dumalo ang 3 chairperson at iba pang staff ng Agriculture Office, sa pangunguna ni Gng. Juliana Espinoza at Glory Ann Baptista.
Ulat ni Grace Bernal