San Jose Del Monte Bulacan nakapagtala ng 20 bagong gumaling sa COVID-19
Nakapagtala ng 20 bagong gumaling sa COVID-19 ang San Jose Del Monte Bulacan, kaya sa kabuuan ay 2,551 o 71% na ang bilang ng recoveries sa lungsod.
Sa kabilang dako ay 56 na mga bagong kaso naman ang naitala, at ayon sa public information office (PIO) ng lungsod, ang mga ito ay nagmula sa sumusunod na mga barangay.
Barangay Muzon, Bagong Buhay I, Kaypian, Gaya gaya, Maharlika, Tungkong Mangga, Graceville, Sapang Palay Proper, Gumaoc East, San Rafael IV, Minuyan Proper, Sto.Cristo, Poblacion I, Sto.Niño II, San Rafael III, Sta.Cruz III, San Martin IV, Citrus, San Rafael I, Dulong Bayan, at San Roque.
Sa kabuuan ay nasa 3,587 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay 873 o 24% ang natitirang active cases, kung saan 683 dito ay mula sa District 1 at 190 naman sa District 2.
Wala namang bagong naragdag sa talaan ng mga nasawi dahil sa sakit, kaya nananatiling 163 o 5% ang kasalukuyang bilang ng COVID-19 Deaths sa lungsod.
Samantala apat na mga barangay naman ang wala nang naitalang active cases, at isa rito ay mula sa District 1 at tatlo naman ay mula sa District 2.
Ulat ni Gilian Elpa