San Jose Del Monte, nakapagtala ng panibagong 16 na COVID-19 recoveries
Nakapagtala ng panibagong 16 na COVID-19 recoveries ang San Jose Del Monte city sa Bulacan.
Ayon sa Public Information Office ng lungsod, ang mga gumaling ay mula sa Barangay Kaypian, San Martin De Porres, Dulong Bayan, Gumaoc East Fatima 5, Bagong Buhay III, Gaya-Gaya, Graceville at Barangay Sto. Cristo.
Sa kabuuan ay may 1,440 o 91% na ang bilang ng recoveries sa lungsod, 1,111 dito ay mula sa District 1, 329 naman ang mula sa District 2.
Samantala, tatlong panibagong confirmed cases din ang muling naitala sa lungsod mula sa Brgy. Gaya-Gaya, Fatima at Barangay Sto. Cristo.
Sa kabuuan ay nasa 1,579 na ang naitalang confirmed cases sa SJDM, kung saan 1,213 ay mula sa District 1 at 366 naman ay mula sa District 2.
Apat na porsyento o 65 na lamang ang active cases, 46 ay mula sa District 1 at 19 naman sa District 2., habang 74 o 5% naman ang bilang ng COVID-19 Deaths.
Sa mga nakalipas na linggo ay mapapansin ang patuloy na pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa SJDM.
Sa kasalukuyan, ang mga barangay na may pinakamataas na bilang ng active cases ay ang Barangay Graceville na may labing tatlong kaso, labing isa naman sa Barangay Gaya-gaya, rig-anim naman sa Barangay Sto. Cristo at Barangay Muzon.
Samantala, Labing-apat na mga barangay mula sa District 1 at dalawampu’t tatlo (23) naman mula sa District II ang walang active cases sa kasalukuyan.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na sumunod sa minimum health protocols, upang makaiwas sa COVID-19 at mas mapababa pa ang mga naitatalang kaso.
Ulat ni Shane Majestrado