San Jose del Monte sa Bulacan, nakapagtala ng 48 bagong active cases ng COVID-19
Apatnaput walong panibagong COVID-19 active cases angnaitala sa San Jose Del Monte (sjdm) sa Bulacan.
Ayon sa public information office (PIO) ng syudad, ang mga panibagong kaso ay mula sa mga sumusunod na barangay:
Barangay Muzon
San Manuel
San Martin IV
Citrus
Paradise III
Tungkong Mangga
Kaypian
Gaya-gaya
Sto. Cristo
Dulong Bayan
Sapang Palay Proper
Francisco Homes-Narra
San Pedro
Francisco Homes-Guijo
Fatima IV
at Barangay San Rafael II
Sa kabuuan ay nasa 536 na ang bilang ng active cases sa lungsod. 434 dito ay mula sa District 1 at 102 naman sa District 2. 2,608 naman ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa lungsod mula noong March 2020.
Samantala, anim na recoveries naman ang naitala at sa kabuuan ay umabot na sa 1,951 o 75% ang mga gumaling na sa sakit.
Dalawa naman ang naitalang panibagong COVID-19 related deaths, at sa kabuuan ay nasa 121 o 5% ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus.
Ulat ni Cez Rodil