San Jose Del Monte sa Bulacan nakapagtala ng apat na panibagong gumaling at apat din na panibagong kaso ng COVID-19
Apat na panibagong COVID-19 recoveries ang naitala sa lungsod ng San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa city public information office, ang mga gumaling ay mula sa Barangay San Rafael I, San Martin II, Sta. Cruz V at Barangay Sto. Cristo. Sa kabuuan ay may 1,304 o 89% na ang recoveries sa lungsod.
Samantala, nakapagtala rin ng apat na panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod.
Ang mga ito ay kianbibilangan ng isang 45-anyos na babae mula sa Barangay Francisco Homes-Narra, na nagkaroon ng close contact kay patient number fourteen fifty.
Isang 31-anyos na babae at isang 34-anyos na lalaki na kapwa taga Barangay Gaya-gaya, at isang 73-anyos na lalaking taga Barangay San Martin II.
Ang apat na panibagong kaso ay pawang nasa mild health status at walang travel history sa labas ng lungsod.
Sa kabuuan ay mayroon nang 1,468 confirmed cases sa San Jose Del Monte, habang namamalagi sa 97 o 7% lamang ang active cases. Ang mga nasawi naman ay 67 o 4% , 71 ang Covid-19 suspected cases at 0 probable case.
Gilian Elpa