San Juan City LGU bumili ng inisyal na 100,000 doses ng COVID vaccines mula sa AstraZeneca
Isangdaang libong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang binili ng lokal na pamahalaan ng San Juan City mula sa AstraZeneca.
Ang San Juan City ang isa sa mga LGUs na lumagda ng kasunduan sa AstraZeneca at national government para sa pagbili ng COVID vaccines.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang nasabing bilang ng doses ay para sa 50,000 residente ng lungsod na gustong magpabakuna.
Aniya nangako ang nasyonal na pamahalaan na makatatanggap sila ng dagdag na bakuna na bukod sa bibilhing COVID vaccines.
Hinimok ng alkalde ang mga taga- San Juan na magpalista sa online COVID-19 Vaccination Registration o sa mga barangay health center.
Moira Encina