San Juan City LGU nagsagawa ng ikatlong COVID-19 vaccination simulation
Sa ikatlong pagkakataon ay nagsagawa muli ang lokal na pamahalaan ng San Juan City ng simulation para sa maraming pagbabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Mayor Francis Zamora na ito ay para lalong maging handa at pamilyar ang mga vaccinators at iba pang health personnel ng lungsod sa proseso ng gagawing pagbabakuna.
Nais anya ng San Juan City LGU na matiyak na maayos, mabilis at mataas ang pamantayan sa gagawing COVID vaccination.
Ayon sa alkalde, patuloy silang magsasagawa ng simulations sa mga susunod na araw upang mas madagdagan ang kaalaman ng kanilang mga tauhan at maging kampante ang mga residente sa bakuna.
Sa pinakahuling datos ay mahigit 18,000 na anya ang San Juaneño ang nagparehistro para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.
Target ng city government na makapagbakuna ng 50,000 residente na prayoridad sa unang bugso ng vaccination program.
Moira Encina