Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo itinalagang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Isang Sandiganbayan Justice ang pinakabagong appointee ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema.
Sa transmittal letter ng Office of the Presidente na ipinadala sa Korte Suprema, pormal na itinalaga ng Pangulo si Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo bilang mahistrado ng Supreme Court kapalit ng nagretirong si Justice Jose Mendoza.
Si Gesmundo na sisenta’y anyos ay nakakuha ng pitong boto mula sa Judicial and Bar Council.
nagsilbi siyang Chairperson ng Sandiganbayan 7th Division.
Siya ay hinirang ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa Anti Graft Court noong 2005.
Ulat ni: Moira Encina
Please follow and like us: