Sandiganbayan nagpalabas na ng warrant of arrest laban kay MNLF founding Chair Nur Misuari

Inilabas na ng Sandiganbayan 3rd Division ang warrant of arrest laban kay dating ARMM Governor at MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Nabatid mula kay Atty. Dennis Pulma, clerk ng 3rd Division ng Sandiganbayan, naipasa na nila sa PNP CIDG ang warrant of arrest laban kay Misuari.

Mayroong ₱460,000 na inirekomendang piyansa ang anti graft court para sa pansamantalang kalayaan ni Misuari.

Ang dating ARMM Governor ay nahaharap sa kasong graft at malversation through falsification na may kaugnayan sa maanomalyang pagbili ng mahigit ₱115M educational kits noong siya ay Governor pa mula taong 2000 hanggang 2001.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

====

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *