Sandro at iba pang Marcoses sa Ilocos norte, pinroklamang panalo sa local polls
Pinroklama ng Commission on Elections o Comelec ang Political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district Congressional race sa Ilocos norte, araw ng martes.
“maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses na may marcos na tumakbo sa unang distrito,” Ayon sa 27 taong gulang na si Sandro.
Ang unang distrito ang sinasabing naging “stronghold” ng mga fariñases, kung saan si Ria, anak na babae ng beteranong politiko at dating Congressman Rodolfo “Rudy”Fariñas, ay incumbent.
Napadapa ni Sandro si Ria nang makakuha ang una ng 108,423 boto laban sa 83,034 boto ng huli.
Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Sandro na susubukan niyang itulak ang mga batas na nakatuon sa agrikultura, hanapbuhay at technological improvement sa first district ng lalawigan.
Ang pinsan naman ni Sandro na si Matthew Marcos Manotoc, ay nasungkit ang kanyang panibagong termino matapos na talunin nito ang veteran politician at ama ni Ria na si Rodolfo “Rudy” Fariñas.
Nakakuha si Manotoc ng 229,161 votes laban sa 82,136 votes ni Fariñas.
Ang iba pang miyembro ng Marcos clan na pinroklamang nanalo ay sina Cecilia Araneta Marcos na nasungkit ang pangalawang termino bilang Vice Governor ng Ilocos norte.
Habang si Angelo Marcos Barba ay pinroklama rin bilang “winner” para sa pangalawang termino bilang first district representative ng lalawigan.
Si Michael Marcos Keon, tiyuhin nina Sandro at Matthew ay pinroklama bilang Laoag city Mayor-elect.
Mar Gabriel