Sanhi ng pagkamatay ng maraming Filipino, hindi Covid-19 kundi Heart Diseases
Nakamamatay ang Covid-19 virus ngunit hindi ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng maraming Filipino.
Ito ang inihayag ni Dr. Tony Leachon, isang Cardiologist sa panayam ng Radyo Agila.
Ayon kay Leachon, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, kabilang sa mga Top killer diseases ay ang Heart disease, Stroke, Hypertension, Cancer, Diabetes, Pneumonia na hindi dala ng Covid infection.
Pang pito lamang ang Covid-19 batay sa nabanggit na datos.
Sinabi pa ni Leachon na sa kasalukuyan ay mayroong tinatawag na double Pandemic.
Meron aniyang Epidemic ng Non-Communicable Diseases (NCD) – sakit na hindi nakahahawa, at 66 na porsiyento ang namamatay dahil dito.
Bago pa aniya nagkaroon ng Covid, maraming mga Filipino ang namamatay dahil sa mga nabanggit na sakit.
Sabi pa ni Leachon noong ipinatupad ang Pandemya, marami sa mga pasyenteng may taglay na ng mga nabanggit na sakit ay hindi nakapagpa- check-up dahil sa takot na magtungo sa ospital at baka sila mahawahan.
30 percent din sa mga pasyente ay hindi naging maayos ang diet at walang ehersisyo.
Kung kaya, masasabi natin na mas marami ang porsiyento ng mga pasyenteng maaaring maging malala ang karamdaman at humantong sa pagkasawi dahil kapag sila ay dinala sa ospital ay hindi agad nabibigyan ng medical attention – ito ay dahil sa puno ang Bed Capacity ng mga Covid-19 patients.
Belle Surara