Sanhi ng Washington air disaster hindi pa malinaw

Emergency workers recovering debris from the Potomac River in the aftermath of the collision between American Eagle flight 5342 and a Black Hawk helicopter, on Jan 30.PHOTO: REUTERS
Inihayag ng US authorities na hindi pa malinaw ang sanhi ng pagbangga ng isang regional jet sa isang US Army helicopter na nangyari sa Washington airport, at ikinamatay ng 67 katao.
Ang aksidente ay itinuturing na pinakagrabeng sakuna sa himpapawid sa US sa nakalipas na mahigit 20 taon.
Ang American Airlines Bombardier na may lulang 60 pasahero at apat na crew, ay bumangga sa Army Black Hawk helicopter na may lulang tatlong sundalo, at bumagsak sa Potomac River habang naghahanda itong lumapag sa Reagan Washington National Airport noong Miyerkoles, Enero 29.
Hindi ba inilalabas ang pangalan ng lahat ng mga biktima, ngunit kabilang dito ang ilang bilang ng kabataang figure skaters at mga tao mula sa Kansas, kung saan nanggaling ang eroplano.
Sinabi ni US transportation secretary Sean Duffy, na ang dalawang sasakyang panghimpapawid ay lumilipad sa standard flight patterns at wala ring naranasang breakdown sa communication nito.
Sinabi ni Virginia Governor Glenn Youngkin, “Everything was routine up to the point of the accident.” Ang pangunahing paliparan ng Washington ay nasa kabila lamang ng ilog sa Virginia.
Sinabi ng mga imbestigador ng National Transportation Safety Board, na nagsisimula pa lamang sila sa kanilang imbestigasyon at magkakaroon sila ng paunang ulat sa loob ng 30 araw.
Anila, hindi pa narerekober ang “black boxes” ng dalawang aircraft na kinaroroonan ng flight data.
Ayon kay chair Jennifer Homendy, “This is an all hands on deck event.”
Sa White House, binatikos ni US President Donald Trump ang piloto ng helicopter at sinabing ang air traffic controllers ang dapat sisihin.
Aniya, “We do not know what led to this crash, but we have some very strong opinions and ideas.”
Lumitaw sa radio communications, na inalerto ng traffic controllers ang helicopter tungkol sa paparating na jet at inatasan itong umiwas.
Sa ulat ng New York Times, lumitaw sa isang preliminary FAA review na ang controller sa paliparan ay kapwa nagha-handle ng helicopter at plane traffic nang mangyari ang sakuna, bagama’t ang mga trabahong iyon ay karaniwang magkabukod.

(From left) Young skaters Jinna Han and Spencer Lane, and coaches Vadim Naumov and Evgenia Shishkova, died in the crash.PHOTO: REUTERS
Nitong nakalipas na mga taon sa Estados Unidos, ay naging sanhi ng alalahanin tungkol sa kaligtasan ang kakulangan ng traffic controllers.
Sa ilang mga pasilidad, mandatory para sa mga controller na mag-overtime at magtrabaho ng anim na araw sa isang linggo para punan ang kakulangan.
Ang Federal Aviation Administration (FAA), ay mayroong kulang na nasa 3,000 controllers kumpara sa talagang kailangan.
Malimit na crowded ang airspace sa US capital region, tahanan ng tatlong commercial airports at ilang pangunahing military facilities, kaya nagpaabot ng alalahanin ang mga opisyal tungkol sa busy runways sa Reagan National Airport.
Nagkaroon na ng ilang “near-miss incidents” sa naturang paliparan na nagdulot ng alarma, kabilang na ang muntikan banggaan noong May 2024.
Ayon sa American Airlines chief executive officer na si Robert Isom, ang piloto ng American Eagle Flight 5342 ay mayroong nasa anim na taon nang karanasan sa pagpapalipad. Ang Bombardier CRJ-700 jet naman ay ino-operate ng PSA Airlines, na isang regional subsidiary.
Ayon kay Defence Secretary Pete Hegseth, “The helicopter was flown by a ‘fairly experienced crew’ of three soldiers who were wearing night-vision goggles on an annual training flight.”
Sinabi ng mga opisyal, grounded muna ang iba pang flights mula sa Army unit na sangkot sa aksidente at magsasagawa rin ng reevaluation sa training exercises sa rehiyon.
Lumitaw sa air traffic control recordings na nairecord nito ang ‘final attempted communications’ sa helicopter, na may call sign na PAT25, bago ito bumangga sa jet.
Ayon sa isang recording sa liveatc.net, narinig na sinabi ng isang air traffic controller, “PAT25, do you have a CRJ in sight? PAT25, pass behind the CRJ,” sa oras na 8.47pm ET noong Jan 29 (8.47am on Jan 30).
Ilang segundo lamang ang nakalipas, isa pang aircraft ang tumawag sa air traffic control, na sinasabing, “Tower, did you see that?” na ang malinaw an tinutukoy ay ang nangyari nang koalisyon. Pagkatapos ay isang air traffic controller ang nag-utos sa mga eroplano na patungo na sa runway 33 na umikot muna.
Kuwento ng isang air traffic controller, “I just saw a fireball and then it was just gone. I haven’t seen anything since they hit the river.”
Nakita naman sa webcam video ng aksidente ang banggaan at isang pagsabog na nagpaliwanag sa dilim ng gabi.