Sanofi Pasteur, sasagutin daw ang gastusin ng mga biktima ng Dengvaxia

Nangako ang Sanofi  Pasteurna sasagutn ang lahat ng gastusin sakaling mapatunayan na ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay  o pagkakasakit
ng mga batang nabigyan ng anti-dengue vaccine.

Ito ang tiniyak ni Sanofi Representative Thomas Triomphe matapos
magreklamo sa imbestigasyon ng senado ang dalawa sa mga magulang ng
batang nabigyan ng bakuna.

Isa rito ay si Ian Colite na dumulog sa senado matapos mamatay ang
anak dahil umano sa epekto ng dengue vaccine habang nakakaranas
naman ng mga sintomas ang 11 anyos na anak ni Gemma Evangelista.

“Should there be any case related to vaccination, death or any other
case we will shoulder the cost, if there is a casualty that has been
demonstrated through scientific evidence”- Thomas Triomphe-Sanofi representative

Pero inamin ng  mga eksperto na wala silang kakayahang matukoy kung
dengue nga ang ikinamatay ng ilang biktima.

Ayon kay Mary Ann Lansang ng UP-PGH na kinuha ng DOH para magsagawa ng pagsusuri, kailangan pa raw ang tulog ng mga pathologist at mga eksperto mula sa ibang bansa para malaman ang tunay na dahilan ng
pagkamatay ng mga biktima.

“The scientist should come forensic pathologic patients can be examined
in dengue virus that can collegues university of hawii studies anti
dengue test to determine zero negative or positive  much more to be
done tan just findings on pathology”- Mary Ann Lansang

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *