Sanofi Pasteur, sisingilin ng Malakanyang ng danyos sa full refund sa ibinayad sa Dengvaxia
Hindi lamang ang full refund ng 3.5 bilyong pisong ipinambili ng Dengvaxia ang sisingilin ng Malakanyang sa Sanofi Pasteur.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sisingilin din ng gobyerno ang Sanofi Pasteur ng danyos dahil sa nilikha nitong problema lalo na sa mga kabataang naturukan ng Dengvaxia anti dengue vaccine.
Ayon kay Roque hinihintay ng Malakanyang ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice o DOJ at National Bureau of Investigation o NBI para sa damage na sisingilin sa Sanofi Pasteur.
Inihayag ni Roque na bagamat nag refund na ang Sanofi Pasteur ng 1.2 bilyong piso para ss hindi nagamit na vial ng Dengvaxia anti dengue vaccine hindi pa ito sapat dahil ang kailangan ay full refund na 3.5 bilyong piso na kabuuan ng bakuna at damage ang dapat na makuha ng pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===