Sapat na dami ng kanin na dapat kainin, binibigyang diin ng eksperto, upang maiwasan ang mga uri ng sakit
Ang kanin ang staple food ng mga Filipino.
May mga taong hindi kayang alisin sa diet ang kanin, meron naman, hindi talaga kumakain ng kanin at sa halip ay pinapalitan nila ito ng ibang Carbohydrate food.
Ngunit ayon sa isang Nutritionist, dapat ay sapat lang ang pagkonsumo nito kada araw.
Kung mas marami umano yung kakainin na kanin tapos kaunti lang ang ulam, ang makukuha ay maraming carbohydrates at kakaunting protina.
Sabi ng eksperto, dapat ay nasa 1/3 lang ng plato ang dami ng kanin.
Bukod sa kanin, makabubuti rin aniya ang pagkain ng masusustansiyang pagkain upang maabot ang kinakailangan na nutrients ng katawan sa bawat araw.
Nasa 40 nutrients umano ang kinakailangan ng katawan kada araw.
Magugunita na inilunsad ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI ang programang ‘Pinggang-Pinoy’ na dito ay hahatiin ang pinggan na kakainin…..yung unang kalahati, dapat ang laman niya ay gulay at prutas, mas marami ‘yung portion ng gulay, ‘yung isang kalahati ng pinggan ay para sa kanin at saka ulam na mas marami naman yung sa kanin.
Samantala, sa mga health-conscious naman, maaaring ipalit sa kanin ang kamote, kamoteng kahoy, mais, at brown rice.
Ang kamote, brown rice, at mais ay mayaman sa fiber na makatutulong para mapababa ang lebel ng blood cholesterol sa katawan.
Nakakatulong din ang fiber upang hindi kaagad makuha ng katawan ang glucose sa mga pagkain.
Bukod sa nabanggit, payo ng eksperto, maaari ring ipalit sa kanin ang whole wheat bread.
Ulat ni Belle Surara