Sapat na pondo dapat prioridad ng gobyerno sa halip na palitan lang ang pangalan ng bagong disaster agency
Dapat prioridad ang pondo sakaling mabuo ang panibagong disaster agency kapalit ng umiiral na National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto, ang pagbubuo ng bagong ahensiya ay dapat higit pa sa pagpapalit ng pangalan.
Ayon kay Recto hindi rin nangangahulugan na kapag naitatag ang bagong disaster agency ay magiging isa na itong super agency.
Inihayag ni Recto kapag naisulong ang pagtatatag ng bagong disaster agency, dapat may sapat na pondo at sapat na mga tauhan para maging epektibo sa kanilang tungkulin at pagtugon sa mga kalamidad.
Sa ngayon, ang kalihim ng Department of National Defense ang Chairman ng NDRRMC at nagsisilbi itong multi-agency superbody na nangangasiwa sa lahat ng mga disaster-related initiatives.
Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umaabot na sa labing-isa ang panukalang batas sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience.
Vic Somintac