Sapat na storage para sa mga dumarating na bakuna kontra Covid-19, tiniyak ng gobyerno
Tiniyak ni National Task Force against Covid-19 Chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may sapat na imbakan o storage ang bansa upang maingatan ang mga dumarating na suplay ng bakuna laban sa Covid-19.
Sinabi ito ni Galvez matapos dumating sa bansa kahapon ang pinakahuling delivery ng higit 1.3 milyong doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pamamagitan ng trilateral agreement.
Aniya, batay sa ginawang inventory ng mga storage freezer, mayroon ang bansa na negative 70 to 80 temperature capacity na kayang mag-imbak ng nasa 28 hanggang 30 million vaccines.
Maliban dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Regional at Provincial local officials para pabilisin ang kanilang vaccination program upang walang bakuna na masayang.