Sapat na suplay ng kuryente sa bansa, dahilan ng pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Mayo

 

Bumaba ang presyuhan sa pandaigdigang merkado kaya naging sapat ang suplay ng kuryente na pumapasok sa bansa.

Sa panayam kay Joe Zaldarriaga, Assistant Vice-President at Head ng Public Information office ng Manila Electric Company o Meralco, aabot sa 54 sentimos kada kilowatt hour ang magiging pagbaba sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Bukod dito, bumalik na rin online ang mga kumpanyang sumailalim sa periodic maintenance at nabawasan na ang mga tinatawag na un-scheduled at biglaang outages.

“This time around, it was different kaya at the end of the day sa tingin namin ay talagang nasa suplay yan, kung sapat ang suplay, maraming suplay ng kuryente, there will be less pressure for the prices to go up”.

Samantala, sa buwan ng Hunyo kung saan simula na ng panahon ng tag-ulan ay maaari ring bumaba ang singil sa kuryente.

Ito aniya ay dahil sa tinatawag nilang Seasonality of consumption kung saan asahan na ang pagbaba ng singil sa kuryente simula Hunyo hanggang sa mga Ber months ay bababa na.

“Pag pumapasok na ang tag-ulan demand will be less, therefore medyo nababawasan ang pagtaas ng singil. So nagiging flattish na yan tapos pagpasok ng ber months ay lalu pang bababa yan hanggang sa babalik ka na naman sa summertime. Kumabaga cyclical siya”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *