Saudi, kumilos para i-secure ang 2,450 mga balon makaraang masawi ang isang bata sa Morocco
Inihayag ng Saudi Arabia, na pinunan at pinatibay nila ang libu-libong abandonadong mga balon sa magkabilang panig ng bansa, matapos masawi ang isang batang lalaki sa Morocco makaraang mabigo ang pagsisikap na iligtas ito.
Ang limang taong gulang na si Rayan, na limang araw na na-trap sa ilalim ng isang balon, ay inilibing sa kanilang Ighrane village sa Rif mountains sa Morocco.
Kasunod ng malagim na insidente nitong nakalipas na linggo, sinabi ng Saudi Arabia ministry of environment . . . “To ensure everyone’s safety… the ministry was able to fill in and fortify 2,450 abandoned wells. It continues to work to fill in the rest of the exposed wells.
Nanawagan din ang ministry sa mga residente na i-report ang alinmang hindi ligtas at walang takip na mga balon, bilang proteksiyon na rin sa kanilang sarili at sa iba.
Si Rayan ay nahulog sa isang makipot, 32-metro (100 talampakan) tuyong balon noong Martes, na nagbunsod para magsagawa ng isang kumplikadong “earth-moving operation” para subukang kunin sya nang hindi magkakaroon ng isang landslide.
Subali’t ang rescue operation ay nauwi sa isang trahedya noong Sabado, kung saan inanunsiyo ng royal palace ng Morocco ang kaniyang pagkasawi.
Nitong Lunes, ay daan-daan ang nakidalamhati sa pamilya nang dalhin si Rayan sa isang sementeryo sa liblib na magubat na burol ng Chefchaouen region ng Morocco, ilang kilometro mula sa pinangyarihan ng aksidente.
Ipinatawag naman ni Moroccan King Mohammed VI ang mga magulang ng bata, para iparating ang kaniyang pakikiramay.