SC bukas na magsagawa ng executive session sa pagharap nina Lorenzana at Año sa oral arguments
Inaasahang haharap ngayong araw sa Korte suprema sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Eduardo Año para sa ikatlo at huling araw ng oral arguments sa Martial Law petitions.
Sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno nas bukas (open) ang Korte Suprema sa kahilingan ni Solicitor General Jose Calida na humarap sina Lorenzana at Año sa isang executive session.
Ito ay dahil na rin anya sa pangamba na posibleng may sensitibong impormasyon na ibabahagi sina Lorenzana at Año na hindi maaring maisapubliko.
Bibigyan din aniya ng pagkakataon si Calida na humiling sa Korte kung sinu -sino ang sa tingin nila ay maari lamang dumalo sa executive session o kung papayagan ba ang mga abugado ng mga petitioner.
Pero dapat magbigay ng dahilan ang OSG kung bakit kinakailangan ang paghihigpit sa executive session.
Inatasan naman ng KorteSsuprema ang OSG na mabigyan sila ng kopya ng mga dokumentong hawak nina Lorenzana at Año kaugnay ng pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Ulat ni: Moira Encina