SC, DOJ, at DILG inumpisahan na ang mga serye ng dayalogo sa justice sector stakeholders
Umarangkada na sa Cebu City ang Justice Zone Dialogue Series ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC).
Ang JSCC ay binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice (DOJ), at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ay una sa mga serye ng face-to-face dialogues sa justice sector stakeholders na layuning matiyak na ang mga kasalukuyang Justice Zones ay patuloy na nagiging epektibong mekanismo para sa kooperasyon at koordinasyon.
Bukod sa Cebu City, may walong iba pang Justice Zones– Quezon City, Davao City, Angeles City, Bacolod City, Naga City, Calamba City, Balanga City, at Baguio City.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, ang dayalogo ay makatutulong sa JSCC na marinig nang direkta mula sa frontliners ng justice sector ang mga aktibidad na nagaganap at ang kanilang accomplishments at mga isyu na kinakaharap.
Mahalaga aniya ito para makabuo ang JSCC ng mga polisiya at programa para makamit responsive at real time justice.
Moira Encina