SC hinimok ang mga trial courts na iprayoridad ang mga pending na kasong may kaugnayan sa mga kababaihan at bata, at gov’t infra projects
Dapat daw paghandaan ng mga trial court judges ang inevitable o hindi maiiwasang backlog ng mga kaso bunsod ng mga COVID-19 lockdowns at reduced workforces sa mga hukuman.
Ito ang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa unang virtual convention ng Philippine Judges Association.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gesmundo na dapat umakto nang mabilis ang mga hukom upang maging manageable ang dami ng mga kasong nakabinbin sa mga korte.
Isa aniya sa mga hakbangin para matugunan ito ay ang prioritization ng mga kaso.
Hinikayat ni Gesmundo ang mga hukom na iprayoridad ang mga matagal nang naka-pending na kaso na may kaugnayan sa mga kababaihan, bata, at senior citizens.
Gayundin, ang mga kaso gaya ng aplikasyon sa TRO, protection orders, writ of habeas corpus, writ of amparo at habeas data, at writ of kalikasan.
Pinabibigyang prayoridad din ni Gesmundo sa mga huwes ang mga kasong ukol sa expropriation at infrastructure projects ng pamahalaan at ang mga commercial- at economic-impact cases.
Una nang sinabi ni Gesmundo na imo-monitor ng Korte Suprema ang galaw ng mga kaso kung saan nagisyu ng TRO laban sa mga proyekto ng gobyerno, expropriation cases at mga kasong may high impact sa negosyo.
Moira Encina