SC ibinasura ang petisyon ni ARMM Gov. Hataman laban sa desisyon ng COMELEC kaugnay sa poll protest nito
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni ARMM Governor Mujiv Hataman laban sa kautusan ng COMELEC kaugnay sa election protest na inihain ng kanyang nakalaban sa 2016 governatorial elections sa rehiyon.
Ayon sa Supreme Court, pwede pang iapela ni Hataman sa COMELEC en banc ang kinukwestyon nitong utos ng 2nd Division.
Si Hataman ay nagpasaklolo sa Korte Suprema matapos na idismiss ng COMELEC Second Division ang kanyang mosyon na ibasura ang election protest na isinampa laban sa kanya ni dating Sulu Vice Governor Abdusakur Tan na nagparatang ng dayaan sa nakaraang halalan.
Sinabi ni Hataman na kulang sa porma at substansya ang petisyon ni Tan at walang hurisdiksyon dito ang Comelec.
Pero paliwanag ng Korte Suprema, dapat sa COMELEC en banc at hindi sa kanila dumulog ang ARMM Governor.
Wala rin nakita ang SC na paglabag sa panig ng Comelec Second Division sa naging desisyon nito.
Ulat ni: Moira Encina